Para sa mga service provider

Ang skills at expertise mo, diretso sa customer.

Massage therapist, nail technician, stylist, makeup artist, cleaner, repair technician, gardener o iba pang service provider ka ba? Nasa Google Play na ang Servisyou. Mag-apply na, simula sa Metro Manila.

A stylist giving a haircut

Bakit sa Servisyou?

Ikaw ang magse-set ng presyo

Ikaw ang bahala sa presyo mo, sa mga city na pupuntahan mo, at sa oras na available ka.

Ikaw ang pipili ng request

Makikita mo ang rating ng customer bago ka mag-accept.

Direkta ang bayad sa iyo

Babayaran ka ng customer pagkatapos ng service: cash, o GCash, Maya o bank transfer gamit ang sarili mong QR code.

Walang sign-up fee

May maliit na fee sa bawat natapos na booking, na makikita mo bago ka mag-accept. Walang fee sa travel fee at sa tip mo.

Ligtas ka habang nagtatrabaho

Sa app lang ang chat, kaya private ang number mo. Kung hindi ka komportable, puwede kang umalis at mag-report gamit ang Leave and report.

Lumalago ang rating mo

Bawat natapos na booking ay dagdag sa ratings at reliability record mo, na nakikita ng mga customer.

Ano ang kailangan mo

Hindi mo kailangan ng sariling shop. Puwede kang sumali bilang independent service provider.

  • Android phone
  • 18 taong gulang pataas
  • Valid government ID (harap at likod) o ang photo page ng passport mo, at selfie na hawak ito
  • Email na iko-confirm mo gamit ang link na ipapadala namin
  • Patunay ng karanasan sa bawat service: trade test nang personal, o maikling paliwanag ng karanasan mo at patunay na puwedeng i-check, gaya ng link sa work page mo, litrato ng sarili mong gawa, TESDA certificate o reference mula sa isang shop
  • Emergency contact: pangalan at mobile number ng taong pinagkakatiwalaan mo

Paano sumali

  1. I-download ang app

    Hanapin ang Servisyou sa Google Play, o pumunta sa servisyou.ph/app.

  2. Mag-apply sa app

    Ilagay ang ID, selfie at mga service mo. Sasagot ang team namin sa loob ng 3 working days.

  3. I-set up ang profile mo

    Ilagay ang presyo, mga city at oras mo.

  4. Hintayin ang mga request

    Darating ang mga request kapag bukas na ang category mo sa mga customer.

May tanong?

Basahin muna ang Help sa Taglish. Baka nandoon na ang sagot.

Wala roon? Mag-email sa servisyouph@gmail.com. Sasagot kami sa loob ng 2 working days.

I-follow ang @servisyouph sa Facebook, Instagram at TikTok.